Pages

Followers

Monday, May 14, 2012

Today My Life Begins

Wednesday, May 9, 2012

Sana ang puso at isip ay parang memory card, na pwedeng i reformat, burahin ang laman, atlagyan ng bago..

Thursday, May 3, 2012

Baket kung kelan ka unti unti bumabangon, dun biglang may bagong problema na naman na dumarating,
sa una kung post sabi ko babangon ako para sa sarili ko at sa anak ko.

Paano kung sinabi sayo na " di sayo yan, di mo anak mo yan, karapatan ng bata na makilala nya ang tunay nyang ama, at hindi ikaw yun". Ganun lang yun? 6 years kung kasama anak ko, ganun lang yun, sasabihin sa akin
na di ako ang ama.

Sa ngayon nag iinquire ako for DNA test, at consult na din sa lawyer kung ano dapat kung gawin.

Baket ba ayaw akong tan tanan ng problema?

Sunday, April 29, 2012

Re Born

Ilang buwan na din, mula ng may dumating na pag subok s akin buhay, halos nag mukmok ako ng ilang buwan, diko alam ang gagawin
at kung paano mag sisimula. Isang bagay na diko ina asahan, problema sa pamilya. Kala ko sa pelikula o telenobela lang nang yayari
ang ganun kuwento, pero pwede din palang mangyari sa akin.

Pero ngayon sinusubukan kung bumangon ng pa unti unti, halos kalahati ng buhay ko ang nawala, pero tama ang sabi nila, meron pang kalahati,
at yun daw ang gamitin ko para mag simula. Isipin ang sarili ko, huwag ko daw ibagsak ang sarili ko, habang ang taong gumawa sa akin kung
baket ako nag kaganito ay parang masaya pa sa ngyari.

Babangon ako para sa anak ko at sa sarili ko. Kahit nilayo sya sa akin ngayon, balang araw malalaman nya din ang tunay na ngyari.

Muli pong nag babalik at dadalaw sa inyo :)