Ilang buwan na din, mula ng may dumating na pag subok s akin buhay, halos nag mukmok ako ng ilang buwan, diko alam ang gagawin
at kung paano mag sisimula. Isang bagay na diko ina asahan, problema sa pamilya. Kala ko sa pelikula o telenobela lang nang yayari
ang ganun kuwento, pero pwede din palang mangyari sa akin.
Pero ngayon sinusubukan kung bumangon ng pa unti unti, halos kalahati ng buhay ko ang nawala, pero tama ang sabi nila, meron pang kalahati,
at yun daw ang gamitin ko para mag simula. Isipin ang sarili ko, huwag ko daw ibagsak ang sarili ko, habang ang taong gumawa sa akin kung
baket ako nag kaganito ay parang masaya pa sa ngyari.
Babangon ako para sa anak ko at sa sarili ko. Kahit nilayo sya sa akin ngayon, balang araw malalaman nya din ang tunay na ngyari.
Muli pong nag babalik at dadalaw sa inyo :)
welcome back!!!! kaya mo yan, keep on moving forward! mahirap mang ang pagbangon pero sa kabila ng hirap na yan, ay isang panibagong
ReplyDelete:))
@ T.R Aurelius : uy buena mano, salapat sayo parekoy
ReplyDeleteang bawat bagay na nangyayari sa ating buhay ay may purpose. siguro hindi mo pa makikita kung ano ito sa ngayon dahil nasasaktan ka pa, pero dadating ang araw na lilingunin mo ito at maiintindihan mo kung bakit kailangan mong pagdaanan ang mga pangyayaring ganito.
ReplyDeletekung ano man iyan, kaya yan. :) Welcome back.
salamat sa pag dalaw, , sana nga ma intindihan ko mga ngyayari
Deleteayun.. welcome back!!
ReplyDeletesana tuloy-tuloy na sir!!!
salamat parekoy
Deletemagpakatatag lang sa lahat ng pagsubok. hindi nagbibigay ang diyos ng pagsubok na hindi natin kaya....
ReplyDeletesana nga kayanin ko, salamat sa pag dalaw parekoy
Deletemabuti nga at may kalahati pa. hanggat may buhay laban. at hanggat may pagkain kain--gutom kasi ako. anyway, sobrang maraming salamat sa pagbisita sa site ko.
ReplyDeletenapatawa moko dun, kain kana din,salamat sa pag dalaw
Delete